BF binoga patay, GF ginahasa

NASAWI ang isang 15-anyos na binata makaraang barilin ito habang ginahasa naman umano ang kanyang kasamang kasintahan sa area ng Bredco Port sa reclamation area sa Bacolod City.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na si Joshua Bornales ng Doña Juliana Heights Subdivision, Brgy. Taculing, Bacolod City na naging dahilan ng kaniyang pagkasawi na naisugod pa sa Western Visayas Regional Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman na halos isang oras pa ang nakalipas bago nadiskubre ang krimen kung saan walang tao na nakakita sa pangyayari kahapon ng hapon.

Mismong ang kasintahan nitong 14-anyos na babae ang humingi ng tulong sa pulisya matapos ang nangyari sa kanila.

Napag-alaman naman mula sa babae na matapos binaril ang kaniyang kasintahan ay ginahasa pa siya ng suspek at saka tumakas.

Nasa kustodiya na ngayon ng Women’s and Children’s Complaint Desk ang dalagita para sa karagdagang imbestigasyon at upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply