BFAD nagbabala tungkol sa pekeng gamot

NAGBABALA ngayon ang Bureau of Food and Drug Administration (BFAD) sa publiko ukol sa mga kumakalat na pekeng gamot sa merkado.

Sinabi ni Rowena Tupas ng BFAD, ang pagkalat ng mga pekeng gamot ay bunga na rin ng kamahalan ng gamot at walang ngiping pagpapatupad ng batas ukol dito.

Ayon kay Tupaz, malaking isyu ang paggamit o pag-inom ng mga gamot na ito sapagkat malaki ang banta nito sa kalusugan ng mamamayan. Maaari nitong mapalala ang sakit ng isang tao o kaya naman ay maging dahilan ng kamatayan dahil sa maling nilalaman ng naturang gamot. Maaari ring itong magdulot ng kawalang epekto at hindi makapagbigay lunas sa sakit ng isang pasyente.

Ilan sa mga gamot na malimit na pinepeke ay ang mga antibiotics, analgesic, antipyretics, anti-diabetes, antihypertensive, gamot sa sipon at ubo at uterine stimulant.

Patuloy ang information dissemination ng BFAD upang maipabatid sa publiko ang banta ng mga pekeng gamot sa kalusugan ng tao.

Isinasagawa rin nila ang pag-inspeksyon sa mga establisimiyentong gumagawa ng gamot upang matiyak na sumusunod ito sa tamang panuntunan ng batas, pagkakaroon ng post marketing surveillance, seminar para sa mga pharmacist at may-ari ng mga drug retail outlet, at pakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya upang maipatupad ang kanilang patakaran kaugnay dito.

Samantala, nanawagan din ang kinatawan ng BFAD na dapat bumili ng gamot sa mga sertipikadong tindahan upang matiyak na hindi counterfeit drugs ang mabibili.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply