BFAR: Shellfish ban ipinatupad sa Bataan

UMIIRAL ngayon ang shellfish ban sa walong bayan ng Bataan matapos na ipatupad ito ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nabatid sa pagsusuri ng BFAR na kontaminado o mataas sa red tide toxin level ang mga shellfish na nakukuha mula sa mga baybaying dagat ng Balanga City, Mariveles, Limay, Orion. Pilar, Orani, Abucay at bayan ng Samal sa lalawigan.

Ipinagbawal ng BFAR ang panghuhuli, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish mula sa mga nabanggit na lugar ng Bataan.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, kabilang sa ipinagbabawal ay ang pagkain ng alamang mula sa mga nasabing baybaying dagat ngunit iginiit na ligtas na kainin ang mga isda, pusit at alimango basta’t sariwa at nahugasan nang mabuti bago niluto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply