BFP chief, deputy suspindedo na bukas

ISISILBI bukas ng umaga, Nobyembre 14 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kautusang ipinalabas ng Office of the Ombudsman na nagsususpinde kina Bureau of Fire Protection head Chief Superintendent Rolando Bandilla Jr. at kanyang deputy na si Chief Inspector Jhufel Brañanola, ayon kay DILG Secretary Jesse Robredo.

Ito ang kautusan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa DILG na ilagay sina Bandilla at Brañanola sa suspensyon sa loob ng siyam na buwan matapos mapatunayang nagkasala sa panloloko sa isang fire victim ng kanyang insurance claims.

Iniutos din ni Morales ang pagsasampa ng graft charges laban kay Bandilla at Brañanola sa Sandiganbayan at inatasan nito si  Robredo sa agarang pag-iimplementa sa suspension order.

Iuupo muna ni Robredo si deputy fire chief for administration Chief Superintendent Samuel Perez bilang acting BFP chief.

Sina Bandilla at Perez ay kapwa kabilang sa Philippine National Police Academy Class of 1986.

Sinabi ni Robredo na hindi pa nila maimplementa ang supensyon ni Bandilla bago dumating ang Nov. 24 kahit pa may kopya na ito.

“The suspension is a penalty, not a preventive suspension. Once he (Bandilla) reports back to work, we will implement his suspension. Brañanola is not on leave but we still have to receive the order for his suspension,” pahayag pa nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply