BI itinangging hinarang ang mga Arroyo sa NAIA

MARIING itinanggi ng Bureau of Immigration (BI) na hinarang nila ang sana’y pag-alis nina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at dating first gentleman Mike Arroyo kagabi (Nobyembre 15) sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mismong si Bureau of Immigration Deportation (BID) Commssioner Ricardo David, Jr., ang nagpalabas ng video ng immigration kung saan kitang-kita ang kaganapan sa loob ng airport.

Ganap na alas-8:15 ng gabi nang makapasok ang mag-asawang Arroyo at iba pang kasama.

Dakong 8:20 ng gabi nang magbayad pa sila ng terminal fee.

Ayon kay David, hind na raw nila hinarang ang kampo ni Arroyo at tuloy-tuloy na sila na nagbayad ng terminal fee hanggang sa makarating sila sa immigration.

Habang nakikipag-usap umano ang abogado ni Arroyo at ipinakikita ang kanilang mga dokumento sa immigration officer ay ipinaliwanag ng mga ito kung bakit hindi sila matutuloy sa pag-alis.

Base pa umano sa nakuhang imporamsyon, may apat pa aumanong kasama sina Arroyo na nakasakay na sa eroplano ngunit inaalam pa ng immigration kung sino-sino ang mga ito.

Nabatid na nang malaman ng apat na ito na hindi matutuloy ang paglipad ng mag-asawang Arroyo ay agad din umanong bumaba sa eroplano.

Sa ngayon, tanging ang derektiba umano na manggagaling kay Justice Secretary Leila de Lima ang kanilang  panghahawakan  at hindi io-honor ang anumang dokumentong ipapakita ng kampo ng dating Pangulo.

Ang mga immigration officer naman ay maghihintay lamang ng drektiba mula sa BID kung maaari nang payagang makalabas ng bansa si Gng. Arroyo.

Sa katunayan nakaaalerto na ngayon ang immigration at lahat ng personnel sa lahat ng paliparan sa bansa at maging ang chartered flight ay kanila na ring binabantayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply