BI naiipit sa pagpigil makaalis sa mga Arroyo

NAIIPIT umano ang Bureau of Immigration (BI) sa sitwasyon ng hindi pagpapahintulot na makaalis ng bansa kina dating Pangulong Gloria Arroyo at asawa nitong si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Ito ang inamin ni BI spokesperson Maria Antonette Mangrobang hinggil sa usapin ngayon na pagharang sa airport sa mag-asawang Arroyo upang hindi matuloy na makaalis ng bansa.

Sinabi ni Mangrobang na wala silang magawa kundi sumunod lamang sa kautusan ng kanilang higher officials sa kabila ng kautusan ng Korte Suprema na pahintulutang makabiyahe na si GMA at dating FG upang makapagpagamot sa ibang bansa.

Binigyan aniya sila ng direktiba na  huwag nilang bigyan ng “go signal “ ang mga Arroyo na makalabas ng bansa kahit pa igiit  nila ang ipinalabas na TRO ng Korte Suprema. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply