BI walang nakitang escort si Ramona nang umalis

WALANG nakita sa video na may kasamang escort si Ramona Bautista nang umalis ng bansa.

Ito ay base na rin sa inilabas ng Bureau of Immigration na video ni Ramona habang siya ay nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Biyernes ng gabi (Nobyembre 4) bago umalis ng bansa ang half sister ni Senador Bong Revilla, Jr.

Sa video ay makikitang nakatalukbong ng shawl ang ulo ni Ramona habang nakipag-usap pa sa tauhan ng BI sa Immigration counter 14.

Nang tanungin umano ng tauhan ng BI sa nasabing counter kung bakit ito nakatalukbong ng shawl ay sinabi naman ni Ramona na Turkish  ang kanyang mister.

Nakuha din ng CCTV ng BI si Ramona noong siya ay nasa terminal fee counter.

Una nang napaulat na isang lalaki na nakasuot ng barong umano ang nag-escort kay Ramona sa airport kung saan gumamit ito ng official business airport access identification card. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply