Biado ibabawi si Orcollo

NALUGMOK si Dennis “Robocop” Orcollo noong nakaraan kay German cue artist na si Ralf Souquet kaya naman pihadong igaganti ng kakuwadrang si billiard sensation Carlo Biado sa gaganaping Philippine Bigtime Billiards Face-Off Series bukas ng gabi (Nobyembre 12) sa PAGCOR Airport Casino sa Parañaque.

Nakaharap na ni Biado si Souquet ng dalawang beses.

Una sa Guinness 10-ball tour sa Jakarta at pangalawa sa Philippine International Open 10-ball Championship sa Manila noong isang taon kung saan ay parehong nabigo ang Pinoy cue master.

“Pinaghandaan ko ito kaya sana makabawi tayo upang mabigyan muli natin ng karangalan ang ating bansa,” wika ni Biado.

“I don’t expect it to be easy one against Carlo (Biado) because He’s a great player,” ani Souquet na tinatluhan na sa kasalukuyang taon si Dennis Orcollo. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply