Bianca King pupuntahan ang parents niya sa Canada, di kasama si Dennis Trillo

BAGO mag-Pasko ay pupunta ng Canada si Bianca King para dalawin ang kanyang parents. Matagal nang naninirahan sa Toronto, Canada ang kanyang mga magulang kaya leaving alone rito si Bianca. Malaki’ng tiwala sa kanya ng kanyang mga magulang na mabubuhay na siyang mag-isa sa kanyang condo.

Sa pag-alis ni Bianca, di kasama ang kanyang best friend daw ngayong si Dennis Trillo dahil may ibang commitments raw itong dapat tuparin. Busy kasi si Dennis sa movie na “Yesterday, Today and Tomorrow.” Filmfest days ang pag-alis ni Bianca. Siempre, kailangan ni Dennis na sumali sa parade of stars ng Metro Manila Film festival 2011.

Bukod pa rito, kailangan rin ang aktor sa sunud-sunod na promo ng pelikula.

Uuwi ng Pilipinas si Bianca sa second week of January 2012. Aasikasuhin niya ang kanyang graduation sa kolehiyo. O yes, after seven years in college, matatapos na ni Bianca ang kurso sa Filmmaking sa College of St. Benilde.

Sabi ng source, magga-graduate si Bianca sa February 2012. Trisemestral ang kanilang school kaya napakaaga ang graduation niya na dapat ay March, April o May ang graduation rites.

000

PABORITO na ngayon si Lovi Poe na makasama ng mga award-winning actors tulad nina Jericho Rosales at Dennis Trillo.

Magkasunod na partner ni Lovi ang dalawang award winning actors. Leading man nito si Dennis sa box office hit movie na My Neighbor’s Wife, tapos naman sa Regal entry sa Metro Manila Film Festival, ang Yesterday, Today and Tomorrow, si Jericho ang leading man niya.

Nasabi ni Jericho sa interview sa kanyang wala siyang tutol kay Mother Lily Monteverde nang sabihin sa kanya na ang kanyang leading lady sa movie ay si Lovi.

Ani Jericho: “Alam ko si Lovi ang isa sa pinakamagagaling ngayong young actress sa bansa. Award-winning na rin siya recently sa Cinemalaya at iba pang award giving bodies.”

May tsika naman kay Lovi na siya mismo ang pumili kay Jericho na makapartner niya sa movie. Matagal na rin daw crush ni Lovi si Jericho noon pang siya’y wala pa sa showbiz. Ngayon, di siya makapaniwalang makakapartner pa niya ang binatang dating kinabaliwan ng co-star niya sa soap na Legacy, na si Heart Evangelista.

000

Fabio Ide may gay benefactor kaya nakanood ng Pacquiao-Marquez fight sa Vegas?

DUMATING na rin sa bansa si Fabio Ide mula sa Las Vegas para makapanood ng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Sa kanyang pagbalik, tuwiran niyang nilinaw na wala siyang gay benefactor kaya siya nakabalik ng bansa.

Ang pagpunta ni Fabio sa US ay bigay sa kanya ng agency na may hawak sa kanya rito sa Pilipinas. Bale talent siya ng agency na laging nagbibigay ng magagandang projects sa kanya. Parang bonus na kay Fabio ang pagbibigay sa kanya ng ticket sa Pacquiao-Marquez fight.

Pero bago umalis si Fabio sa America para manood ng fight sa Las Vegas, may isang malapit daw kina Manny at Jinkee Pacquiao ang nangako sa kanya na bibigyan siya ng ticket sa MGM Arena. Pumalpak ito kaya ang manager ni Fabio na lang ang nagmagandang-loob na bumili ng ticket para sa kanya.

000

PATULOY na napapanood pa rin si Moma Louise Ray, ang batang si Jennifer sa top-rating soap na “Munting Heredera” sa boobtube, kahit siya’y may karamdaman ngayon. Na-detect ng kanyang attending physician na siya’y may sa sakit na diabetes.

Recently lang ay naospital si Mona, pero naka-recover agad at patuloy na nagti-taping ng Munting Heredera kung saan siya bale ang title role ng soap. Sa takbo kasi ng paglalahad ng drama series, si Jennifer ang nag-iisang apo ni Lola Ana na ginagampanan ni Gloria Romero.

Hanggang ngayon ay di magtagpu-tagpo sina Lola Ana at si Jennifer. Pati na rin ang parents niyang sina Mark Anthony Fernandez at Camille Prats sa istorya.

Mas nakakasabik ang kwento sa ngayon dahil naghahanap na ng tunay na magulang si Jennifer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply