Biglang nagbago ng isip si Jinkee Pacquiao!

BALITANG nagbago na ang isip ni Jinkee Pacquiao at lilipad na rin siya papuntang States para suportahan ang asawa niyang si Manny Pacquiao sa laban nito kay Juan Manuel Marquez. Ito ay pagkatapos na kumalat nang parang apoy na magpa-file na ng annulment si Jinkee nang ma-confirmed niya ang pagkakaroon ni Manny ng anak sa labas sa isang culinary student. Ito rin ang scoop na ibinalita ni Zoren Lagaspi sa Paparazzi last month, tungkol sa binyag ng baby.

Ngayong nakapagdesisyun si Jinkee na sumunod kay Manny sa States, ang ibig bang sabihin nito ay nagbago na rin ang isip niyang maghain ng annulment? Sabi pupunta raw si Jinkee sa States para pag-usapan ang status ng relasyon nila ni Pacman. But we hope this will be after the fight na para hindi makaapekto ito sa laban ni Manny kay Marquez.

Marami ang nagsasabi na Jinkee will be the richest woman in the Phils. kung sakaling matuloy ang annulment ng marriage niya kay Manny kasi she will be getting one half of Pacquiao’s billions! But why rock the boat? Mas maganda if she will stick with her husband para hindi maapektuhan emotionally ang apat na anak nila. At saka why give the satisfaction to Manny’s kerida if ever?

Sabi nila it will hurt Manny’s political career kung matutuloy ang hiwalayan. But we think na walang hiwalayan na mangyayari.

Wanna bet?

***

PALABAS na ngayong Sabado ang bagong reality-comedy show ni Vic Sotto kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola, ang The Jose & Wally Show Starring Vic Sotto. Ito ang pumalit sa R U Kidding Me? Istorya ito ng dalawang has been comedians na napilitang magsama sa isang show sa isang bagong network nang pareho silang tinulungan ng kanilang kaibigang director. Si Jose si ‘Joey’ at si Wally naman ay si ‘Willie.’ Si Vic ang kaibigan nilang director. It’s a show within a show. Showbiz ang tema kaya may mga real life artists silang guests tulad ni Aga Muhlach para sa pilot episode. Pinaplano na ring mag-guest si Nora Aunor as herself rin.

Busy rin ngayon si Vic sa pagtatapos ng MMFF entry niya na “Enteng Ng Ina Mo” with Ai-Ai delas Alas.

“Nagkagulatan nga kami ni Ai-Ai dahil November na pala ay hindi pa kami tapos. Kasi naman we have such a big cast. Sa grupo lang ng Tanging Ina ay ang dami na nila. But it’s fun working with Ai-Ai. She’s really the Queen of Comedy!

“Yes, natuloy na ang kissing scene namin sa movie. Sabi nga ni Ai-Ai, nagkatusukan na kami ng mga baba namin. Hahaha! Basta all of our scenes are funny kaya matutuwa sigurado ang mga manonood,” pahiwatig ni Vic.

Naikasal na nga ang dati ex-girlfriend niyang si Pia Guanio sa ibang lalaki. Ano ang masasabi niya tungkol dito? Lalo pa’t araw-araw ay lagi pa rin silang nagkikita at nagkakasama sa Eat Bulaga.

“Next question please!” pag-iwas ni Vic na halatang hindi in good terms sa kanyang ex.

***

NGAYONG Nov. 9 na ang pagbubukas ng 7th Cinema One Originals sa Shangrila Plaza Cineplex. Tatakbo ito hanggang Nov. 15. Ang awards night ay gaganapin sa Nov. 13 sa Crowne Plaza grand ballroom.

This year is special kasi 10 films ang inisponsor ng Cinema One Originals na gawin at P1M each na budget as compared sa P500,000 subsidy ng Cinemalaya sa mga entries nito.

May dalawang films din na Bisaya ang ginamit na lengguwahe, ang D Ingon Nato (Not Like Us) na isang horror at My Paranormal Romance na isang horror-comedy naman. Sa dalawa, mas interesado kaming panoorin ang My Paranormal Romance kasi bida dito ang PDA top 5 na si Van Roxas at ang PBB Season 3 top 5 Paul Jake Castillo na mga true- blooded Cebuanos.

Natutuwa kami at nabigyan ng malaking break si Van who has all the makings of a heartthrob. Ilalabas na rin ng Star Records ang kanyang debut album with fellow Cebuano and good friend, Pierro na dating Starstruck Batch V.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply