Bigtime pusher nasilo ng pulisya

ARESTADO ang isang bigtime pusher sa isinagawang operasyon ng PNP at Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group sa San Nicolas.

Ang suspek ay nakilalang si Ronald Padayao, 30, ng Brgy.4 Sarrat, Ilocos Norte.

Ayon kay San Nicolas OIC Chief of Police Chief Inspector Lelan Benigno, nagsagawa ng buy-bust operation ang tauhan ng Anti-Illegal Drugs kung saan nagpanggap na buyer ang isang pulis.

Itinuring naman nitong isang bigtime pusher dahil sa mga reklamong nakakarating sa kanilang tanggapan.

Nakumpiska mula sa suspek ang P4,500 na marked money na ginamit sa buy-bust oparetion at  tatlong sachet ng shabu at ibat ibang drug paraphernalia.

Ayon kay Benigno, nakatanggap sila ng imporamasyon at reklamo hinggil sa talamak na  aktibidad ng suspek kaya naman agad silang nagplano ng operasyon na siyang ikinaaresto ni nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply