Binata binistay sa ilalim ng puno

ISANG 33-anyos na lalaki ang namatay makaraang pagbabarilin habang namamahinga sa ilalim ng puno sa F. Carlos, Barangay Baesa, Quezon City kagabi (Linggo, Nobyembre 13).

Namatay habang ginagamot sa Quezon City General Hospital ang biktima na nakilala na si Jouvane Bacood, 33, binata, walang hanap buhay at taga-F. Carlos St. Brgy. Baesa,QC dahil sa mga tinamong tama ng bala ng M-16 armalite rifle sa katawan.

Base sa ulat ni PO1 Eric Lazo ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang pamamaril dakong 10:00 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Joel, nalaman lamang niya ang pamamaril sa kapatid ng may sumundo sa kanya at ipinalaam ang nangyari.

Lumitaw sa imbestigasyon na nakaupo noon sa ilalim ng isang punong kahoy sa lugar ang biktima nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armadong suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply