Binata kinatay ng na-badtrip na kainuman

TIGOK ang isang binata matapos saksakin ng isa sa dalawang kainuman makaraan magtalo sa Malabon City, kaninang madaling-araw.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng saksak sa dibdib si Raymond Dizon, 31 ng Hernandez St., Catmon, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na nakilala lang sa mga alyas na Bukol at Ian at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw, nag-iinuman ang biktima at mga suspek sa nasabing lugar nang magkaroon ng pagtatalo.

Nagbunot ng patalim ang isa sa mga suspek at tinarakan si Dizon na naging dahilan upang dalhin sa PLM habang nagsitakas naman ang mga una.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply