Binata tinodas ng naka-motorsiklo

BINAWIAN ng buhay ang isang 22-anyos na binata matapos barilin ng hindi nakilalang salarin na naka-motorsiklo sa Tondo, Maynila kagabi (Nobyembre 22).

Idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktima na si Richard Austria, isang helper at residente ng Building 9 Temporary Housing, Vitas Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng salarin na nakasakay sa isang hindi naplakahang motorsiklo na agad na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni Det. Charles John Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 8:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril malapit sa SM Police Community Precinct (PCP) sa Tondo.

Sa imbestigasyon, papatawid umano ang biktima kasama ang isang Heide Robles, 16, isa ring helper nang sumulpot ang suspek na sakay ng isang motorsiklo. Pagsapit sa harapan ng dalawa ay walang sabi-sabing binaril ng salarin ang biktima.

Nalaman ng ina ng biktima na si Lorna Castillo ang insidente kaya sumugod ito sa lugar at dinala sa opsital si Austria subalit namatay ito habang ginagamot.

Inaalam na rin ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply