Binatang pumaslang sa totoy nadakip na

MAKALIPAS ang isang taon na pagtatago ay nadakip na kahapon (Lunes, Nobyembre 7) ang binatang pumatay sa isang totoy noong sa Caloocan City noong 2010.

Kinilala ni Chief Insp. Bartolome Tarnate, hepe ng District Special Operation Unit ng NPD ang suspek na si Bazil James Felizar, 22 ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa record, sinaksak at napatay ng suspek si John Russel Tabios, 14 ng Phase 3, Bagong Silang noong Oktubre 30, 2010 sa Phase 2 ng nasabing lugar.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek hanggang sa madakip sa Blue Ridge Subdivison, San Jose Del Monte, Bulacan kahapon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Raymundo Vallega ng RTC Branch 130.

Nabatid na ang napatay na si Tabios ay honor student ng Bagong Silang High School.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply