Binga at Magat Dam patuloy sa pagpapakawala ng tubig

NAGPAPATULOY sa pagpapakawala ng tubig ang Binga at Magat Dam dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan

Ayon sa Dam Monitoring Ng Hydromet Division ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakabukas pa rin ng .8 meter ang isang gate ng Binga dam at nasa 574.69 meters na ang lebel ng tubig nito, mas mababa ng .31 meter sa spilling level na 575 meters.

Nakabukas pa rin ng isang metro ang isang gate ng agat dam at nasa 192.77 meters na rin ang lebel ng tubig nito, mas mababa ng .23 meter sa spilling level na 193 meters.

Samantala iniulat ng PAGASA na walang kinalaman sa mga una nang binantayang namumuong sama ng panahon ang magdamag na pag-ulan sa Metro Manila.

Sinabi ng PAGASA na ang pag-ulan ay dulot ng umiiral na Inter Tropical Convergence Zone na nakaa apekto sa Luzon at Visayas.

Kaugnay nito ay makakaranas ang buong bansa ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat – kalat na pag-ulan, lalo na sa silangang bahagi ng Central at Southern Luzon na maaring magdulot ng landslide at flash flood. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply