BIR commissioner Henares nanganganib masibak

UNDER FIRE si Internal Revenue Commissioner Kim Henares matapos na sa ikatlong pagkakataon ay mabigong makuha ang target tax goal, maliban na lamang kung mapigilan ni Pangulong Noynoy Aquino si Finance Secretary Cesar Purisima sa  pagsibak sa kanya na ayon na rin sa isinasaad sa National Lateral Attrition Law na pagtanggal sa puwesto sa sinumang opisyal ng BIR at Bureau of Customs na hindi makaka-meet sa kanilang tax collection goals kada-taon.

Exempted naman sa parusa, ayon sa finance department si newly-appointed BOC Commissioner Raffy Biazon na bagsak din ang tax collections na ang shortfall ay umabot sa P8 bilyon dahil kamakailan lamang ito itinalaga ng Malakanyang.

Ngunit hindi pa rin lusot sa attrition law ang BOC port collections, inspectors, supervisors at examiners.

Una nang inatasan ng Chief Executive si Secretary Purisima na magsagawa ng ‘total revamp’ sa Kawanihan ng  Rentas Internas sa harap ng patuloy na pagdanas ng shortfall sa tax collections, ang mahinang tax machinery, ang hindi angkop na tax surveilance, monitoring at ang umano’y pagsasampa ng tax evasion cases sa mga ordinaryong taxpayers, sa halip na sa mga tinaguriang ‘untouchable big time taxpayers.’

Pinuna rin ng DOF secretary ang napakaraming nakapuwestong ‘officer-in-charge’ sa ‘juicy positions,’ samantalang isang tambak na magagaling, mahuhusay, matatalino at mga bihasang tax experts ang inilagay sa ‘freezing  or floating capacity.’

Sa pag-iral ng National Lateral Attrition Law,  isinasaad sa batas na ang unang dapat masibak sa puwesto sa BIR at BOC sa sandaling mabigo ang ahensiya na makuha ang kanilang taunang target goal ay ang commissioners, kasunod ang deputy commissioners, assistant commissioners, service chiefs, regional directors at assistants nito, port collectors at assistants nito, district collectors at assistants nito, revenue district officers at assistants nito hanggang supervisors at examiners.

Wala umanong pinagkaiba si Commissioner Henares kina dating BIR Commissioners Guillermo Parayno, Jose Mario Bunag, Lilian Hefti, Chito Esquivias at Joel Tan-Torre na pawang sinibak sa puwesto matapos makalasap ng napakataas na shortfall sa tax collections.

Sa una at ikalawang taon sa puwesto ni Henares matapos italaga ni Pangulong Noynoy ay nabigo itong makuha ang tax goal at nitong 2011 na inaasahang madaragdagan pa ang P7.8 bilyong shortfall sa tax collections ng BIR lady commissioner. Ang goal ng BIR ngayong taxable year 2011 ay P940 bilyon at sa susunod na 2012 ay mas malaki ang kakaharapin nitong problema sa tax collections na ang target goal ay tinataya sa P1.006 trillion.

Ilan naman sa naka-survive sa kanilang tax gaol ay sina BIR Regional Directors Nestor Valeroso, ng Makati City; Jonas Amora, ng Quezon City; Pip Madulara, ng City  of Manila at sina Metro Manila Revenue District Officers Chito Alberto at Dante Aninag, ng Pasig; Albin Galanza, ng Caloocan City; Raul Recto, Gerry Gumayas at Ric Espiritu, ng Makati; Edgar Tolentino, Baby Nacar at Ramer Narvaez, ng Quezon City; Izza Paulino, ng Mandauyong City, Lorna Tobias, Pete Fernando, Teodoro Huelba, Rose Ragaza, ng Manila; at Nimfa De Villa, ng San Juan City.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply