Bisikleta kinaladkad ng van: 3 sugatan

TATLO ang nasugatan makaraang kaladkarin ng isang closed van ang isang bisekleta at sumalpok sa isang poste ng kuryente sa kanto ng Ayala boulevard at San Marcelino street sa Maynila.

Nabatid na binangga ng isang closed van na may plakang SJT 268 at pag-aari ng MT Tinio General Merchandise ang hindi nakilalang nagbibisikleta.

Sumadsad sa bangketa ang van at sumalpok sa konkretong poste kaya natumba ito kaya nagkalat ang mga wire sa kalsada na nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapik.

Dumating naman agad ang mga taga-Meralco upang ayusin ang mga naputol na kable ng kuryente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply