Biyahe ng mga Arroyo bukas tuloy na tuloy na

TINIYAK ngayon ng abogado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na na-stress man ito ay tuloy na tuloy na ang kanilang biyahe palabas ng bansa bukas.

Ayon kay Atty. Raul Lambino, abogado ni Arroyo, nasa maayos ng kondisyon ang pangangatawan ng dating pangulo sa kabila ng sobrang stress bunsod ng eksena kagabi sa NAIA kung saan siya ay pinagkaguluhan ng media.

Aniya, kahit tumaas ang blood pressure ni Mrs. Arroyo ay wala naman umanong dapat ikabahala sa kanyang kondisyon.

Kaugnay nito, bukas ng umaga na lamang itutuloy ng dating pangulo ang biyahe sa Singapore sa kabila ng pagharang ng Bureau of Immigration at pagkontra ni Justice Sec. Leila de Lima sa naging desisyon ng Korte Suprema.

Una nang inihayag ni Lambino na mismong si CGMA na ang nagdesisyon na ipagpaliban na lamang ang flight na dapat ay kaninang alas-5:00 ng hapon.

Ayon sa abogado, tuloy na tuloy na ang kanilang flight bukas para sa pagpapagamot ni Gloria sa ibang bansa.

Giit ni Lambino, kailangan nilang bumiyahe lalo’t bukas ng tanghali itinakda ang pakikipagkita ni Arroyo sa kanyang espesyalista sa bansang Singapore.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply