Biyahe ng mga Arroyo haharangin ng M’cañang

HAHARANGIN ng Malakanyang sa pamamagitan ng ihahain na Motion for Reconsideration o Motion to lift TRO ang nakatakdang pag-alis sa bansa nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Mike Arroyo para magpagamot sa ibang bansa.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, bagama’t inaasahan na nila ang magiging desisyon ng SC sa usapin ay gagawin nila ang lahat upang hindi makaalis ng bansa ang dating lider.

Nauna rito, naniniwala si Presidential Political Affairs Ronaldo Llamas na kailangang pagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ng Solicitor General na pakinggan ang oral arguments pabor man o hindi sa inilabas na Temporary Restraining order (TRO) ng Supreme Court na pinapayagan ang dating lider na makapagpagamot sa ibang bansa.

Hindi naman nagulat ang Malakanyang sa maanghang na pahayag ni Atty. Raul Lambino, abodago ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na unmanly, arrogant at incompetent ang Pangulong Aquino.

Nauna nang pinayagan ng SC na makapag-abroad ang mag-asawa sa botong 8-5.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply