Biyahe ni GMA ayaw nang ipaalam sa publiko

AYAW nang ipaalam pa sa publiko ang planong pagbiyahe ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ibang bansa  upang maiwasan na maulit ang nangyaring pagpigil sa kanila kabila ng kautusan ng Korte Suprema sa Temporary Restraining Order (TRO).

Ayon sa kampo ni Arroyo, hindi pa tiyak kong kelan ang takdang araw ng pagbiyahe ni GMA matapos na maunsyami ang kanilang paglipad patungong Singapore noong Martes ng gabi (Nobyembre 15).

Sinabi naman ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ng dating pangulo, na kapag bumuti na ang kondisyon ng dating Pangulo ay maari na itong makaalis.

Nabatid na ang appointment sana na makipagkita ni GMA sa kanyang doktor sa ospital sa Singapore ay tentative pa lamang ngunit dahil hindi sila natuloy ay muli itong na-postpone.

Tiwala at umaasa naman ang kampo ni Gng. Arroyo na papayagan na silang makapagbiyahe muli matapos na maghain sa Korte Suprema ng urgent motion. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply