Biyahe ni GMA pa-Singapore ngayong hapon kinansela

KINANSELA na ng kampo ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang booking nito pa-Singapore ngayong hapon.

Ito ay kasunod ng ipinalabas na warrant of arrest ng Pasay City Regional Trial Court Branch 112 dahil sa kasong electoral sabotage na isinampa ng Commission on Elections (Comelec) laban sa dating Pangulo.

Kinumpirma mismo ni Manila International Airport Authority (MIAA) General manager Angel Honrado ang kanselasyon ng booking matapos na magpahatid ng abiso ang isang tauhan ni Gng. Arroyo.

Una rito, naka-book kanina ang mag-asawang Arroyo sa flight ng Singapore Air na umalis kaninang alas-5:00 ng hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply