BJMP inalerto ngayong kapaskuhan

ITINAAS ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology ang antas ng kanilang alerto sa lahat na bilangguan sa buong bansa ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Ayon sa BJMP, bahagi ito ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na kapaskuhan na tiyakin ang seguridad sa lahat ng kanilang mga jail and detention facilities

Sinasabing maraming preso ang tumatakas o nagtatangkang makapuga kapag malapit ang Pasko dahil na rin sa pananabik sa mga mahal sa buhay.

Ayon kay Manila City Jail Warden Senior Supt. Ruel S. Rivera, ito umano ang isa mga dahilan kaya binabalak ni BJMP Chief Director Rosendo Dial na palawakin ang kanilang programang E-dalaw.

Para maibsan ang kalungkutan ng mga preso at maiwasan ang kanilang pagkaburyong ay plano ni Dial na palalawakin ang E-dalaw kung saan sa pamamagitan ng internet ay makaka-chat ng mga preso ang kanilang pamilya sa labas ng kulungan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply