Board member utas sa riding in tandem

PATAY ang board member ng Surigao del Sur makaraang pagbabarilin ng dalawa katao sa Bislig City, kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Rafael Viduya, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng District 2 ng Lalawigan.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-10:00 ng  umaga nang maganap ang insidente sa  St. Joseph Worker Parish Church, sa Forest Dr. Vill.age, Brgy San Roque, Bislig City, Surigao del Sur.

Nabatid na kalalabas lamang sa simbahan ng biktima nang paulanan ng bala ng dalawang lalaki lulan ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply