Bodega ng spare parts sinalakay sa Bulacan

NATAGPUAN ang isang tinangay na Ford Everest sa bodega ng mga segunda-manong sasakyan at spare parts na sinalakay ng Quezon City Police District (QCPD) at Highway Patrol Group sa Calumpit, Bulacan.

Nabatid na nagkalat sa naturang bodega ang mga pira-pirasong bahagi ng mga segunda-manong sasakyan.

Samantala, inaresto naman ng mga pulis sina Antonio Garcia at Romnick Estrella habang bitbit ang dalawang plate number na nakarehistro sa isang itim na Ford Everest.

Itinuro ng dalawang suspek ang isang alyas “Carol” na kanilang amo at may-ari ng bodega.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply