Bodyguard ni mayor itinumba

ITINUMBA ang isang close-in security ng mayor ng bayan ng Piddig sa lalawigan ng Ilocos Norte kaninang madaling araw, Nobyembre 2.

Binaril at napatay ang biktimang si PO1 Jaymarts Paragoy habang naglalakad papauwi sa kanilang bahay bandang alas 4:00 ng madaling araw.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, kagagaling lang ng biktima sa bahay ni dating Mayor Augustus Salazar, biyenan ni Piddig Mayor Eddie Guillen, nang barilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek. Nagtamo ng tama ng bala si Paragoy sa kanyang likuran, tuhod at kamay.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng 9mm na baril.

Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation ng pulisya sa suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply