Bomba sumabog malapit sa Maguindanao massacre site

ISANG improvised explosive device (IED) ang sumabog malapit sa Maguindanao Massacre site kaninang umaga, Nobyembre 23.

Sumabog umano ang bomba bandang alas 5:15 ng umaga at na-detonate ang apat pang iba.

Ngayong araw ang ikalawang anibersaryo ng Maguindanao massacre at inaasahang maraming pupunta sa naturang lugar.

Nakatakda ring pumunta sa lugar si DILG Secretary Jesse Robredo.

Ayon sa hepe ng Maguindanao PNP na si Supt. Marcelo Pintac, ang mga pampasabog ay nasa loob ng 3 km. raduis sa pinangyarihan ng massacre.

Wala naman umanong nasaktan o nasugatan sa naturang pagsbog ng bomba.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply