Bong Revilla iwas na sa kaso ni Ramgen

DUMISTANSYA na si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa away ng mga kapatid sa ama kay Genelyn Magsaysay bago paslangin si Ramgen Revilla noong Oktubre 29, 2011 sa Parañaque City.

Ayon kay Revilla, napakahirap magkomento kung wala siyang personal na nalalaman sa tunay na relasyon ng magkakapatid na Ramgen, Maria Ramona at Ramon Joseph Bautista Revilla.

“Ayaw ko nang magsalita sa away-away nila eh. Kung ano man ang pinagmulan nun, hindi ko alam,”pagdidiin ng senador.

Itinanggi rin ni Revilla na nagbibigay ang kanyang ama ng P1 milyon sustento kada buwan sa mga anak ni Genelyn, na naging teorya ng Parañaque Police kung bakit ipinapatay diumano nina Ramona at Ramon Joseph ang kuya nilang si Ramgen.

“Hindi naman totoo yun, that’s not true. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung P 1 million na yan,” pagdidiin ng senador.

Muli ring nilinaw ni Revilla na hindi niya pinoprotektahan ang magkapatid na suspek sa pagpatay sa kanilang kapatid kundi nais lamang niyang makasiguro sa ginagawang pag-imbestiga ng pulisya sa kaso dahil nakakaawa naman ang kanyang mga kapatid kung mapatutunayang mga inosente.

“Gusto lang natin malaman kung sino talaga gumawa nito dahil kung iyong bata naman eh inosente, itong na-a-accuse ngayon eh kawawa naman eh,” giit ng senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply