Bong Revilla itinangging hawak si Ramona

ITINANGGI ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang pahayag ng Parañaque police na siya ang nagbibigay ng proteksyon sa kapatid na nasangkot sa pagpatay sa isa pang kapatid na si Ramgen.

Ito ang binigyang diin ni Revilla matapos sabihin ni S/Supt. Romulo Sapitula, hepe ng Las Pinas police, na nasa kustodiya ng senador ang nagtatagong si Maria Ramona Bautista.

Ayon sa senador walang katotohanan na nasa kanyang kustodiya ang kapatid na si Ramona.

Nauna rito ay sinabi ni Sapitula na ang senador ang kumuha kay Ramona sa Las Pinas police matapos umanong iwanan malapit sa isang mall ng mga killer ni Ramgen noong Biyernes.

Pero lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na hindi dinukot si Ramona sa halip ay naging kasabwat ng kanyang kapatid na si Ramon Joseph sa naturang krimen.

Gayunman sinabi ng senador na kahit hindi siya naniniwala na ang magkapatid na si Ramona at Ramon Joseph ang mastermind sa pagpatay sa kanilang kapatid na si Ramgen, hindi naman niya kukunsintihin ang mga ito kung mapapatunayan na sila ang tunay na may kagagawan sa karumal-dumal na krimen.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply