Bong Revilla nanindigan vs kapatid na suspek

NANINDIGAN si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na hindi siya magiging protektor ng dalawa niyang kapatid sa ama na nasangkot sa pagpatay sa kanilang kapatid na si Ramgen nitong Oktubre 28 ng hatinggabi.

Ito ang binigyang-diin ni Bong Revilla matapos sabihin ni Sr. Supt. Romulo Sapitulan, hepe ng Las Pinas police, na nasa kustodiya ng senador ang nagtatagong si Maria Ramona “Mara” Bautista.

“It’s not true, it’s not with me, hindi totoo yan!”pagdidiin ng senador.

Nauna rito ay sinabi ni Sapitulan na ang senador ang kumuha kay Ramona sa Las Pinas police matapos iwanan malapit sa isang mall sa nasabing siyudad ng mga killer ni Ramgen noong Biyernes ng hatinggabi.

Idinagdag pa ng senador na kahit hindi siya naniniwalang ang magkapatid na Ramona at Ramon Joseph ang mastermind sa pagpatay sa kanilang kapatid na si Ramgen, hindi naman niya kukunsintihin ang mga ito kung mapapatunayan na sila nga ang may sala sa karumal-dumal na krimeng ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply