Bonggang pagsalubong kay Pacman ibibigay ni Lim

BIBIGYAN ng bonggang heroes welcome ni Manila Mayor Alfredo Lim SA pag-uwi sa bansa ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao, matapos muling manalo sa kanyang rematch kay Mexican boxer Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, Nevada.

“Merong plano pero kailangan with the approval of Manny. Lahat tayo mag-celebrate. Magdiwang tayo para sa panibagong karangalan na naman ang ibinigay ni Manny sa ating bansa,” ayon kay Lim.

Nabatid na nakiisa si Lim sa may 10,000 katao nanonood ng laban ni Pacquiao at marquez sa San Andres Sports Complex, kasama sina Manila Police District OIC Senior Supt. Alex Gutierrez, Station 9 chief Col. Ernesto Tendero, Jr. city security force ret. Maj. Nick Amparo at department of public services chief ret. Maj. Carlos Baltazar.

Sa kabila naman ng prediksyong knock out sa ikatlong round pabor kay Pacquiao ay hindi nangyari, pero natutuwa pa rin ang alkalde at nanalo si Pacman.

Paplantsahin umano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang bonggang pagsalubong na ibibigay kay Pacquiao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply