Boxing legend Joe Frazier sumakabilang buhay na

PUMANAW na si dating world heavyweight champion Joe Frazier, 67-anyos, kagabi (Lunes, Nobyembre 7) sanhi ng liver cancer.

Si “Smokin Joe” Frazier, na pamoso sa pakikipagbasagan ng mukha kay Muhammad Ali, ay na-diagnos na may cancer nitong nakaraang buwan at ipinasok sa hospice care noong nakaraang linggo.

Hiniling ng pamilya ni Frazier na magkaroon pribadong pagluluksa sa pagpanaw ng boxing icon.

Ayon sa pamilya, sa madaling panahon ay iaanunsyo nila ang “home going celebration” ni Frazier.

Noong Abril 1971, nalasap ni Frazier ang kanyang kauna-unahang pagkatalo sa kamay ni Ali na tinaguriang “Fight of the Century” sa Madison Square Garden.

Nanalo pa rin si Ali sa kanilang 1974 rematch, at maging ang kanilang trilogy bout noong 1975 na tinaguriang “Thrilla in Manila.”

Natapos ang boxing career ni Frazier na 32-4 win-loss record, na may 1 draw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply