Boxing license ni Margarito aprub na

INAPRUBAHAN na ng New York State Athletic Commission (NYSAC) ang petisyon ni Antonio Margarito para makakuha ng lisensiya upang makalaban sa naturang lugar.

Makaraan ang halos dalawang oras na closed door meeting sa pagitan ng tatlong commissioner, nagpasya ang panel na payagan si Margarito na makalaban sa Disyembre 3 kung saan makahaharap niya si Miguel Cotto sa Madison Square Garden.

Ang naturang hearing ay pangalawa na isinagawa ng komisyon hinggil sa nasabing kaso.

Gayunaman, binigyan ng komisyon ng kondisyon si Margarito. Ayon sa komisyon kailangang ipatingin ni Margarito ang kanyang mata matapos itong magkaroon ng injury sa laban nila ni Manny Pacquiao sa Dallas, Texas noong isang taon.

Isinailalim na rin siya sa isang cataract surgery at isang artificial lens ang itinanim sa kanyang mata para maayos ang kanyang paningin.

Ang nakatakdang laban na ito ni Margarito kay Cotto sa Disyembre ay pangalawa pa lamang mula nang makasagupa niya si  Pacquiao noong 2010.

Maaalaalang tinanggalan ng lisensiya si Margarito matapos itong maglagay ng matigas na bagay sa kanyang handwraps bago ang laban kay Shane Mosley noong 2009 kung saan natalo siya via knockout.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply