Boy tanghod

NAKALULUNGKOT naman ang inaasta ng isang mambabatas na ito na gagawin ang lahat ma-interview lamang ng miyembro ng media.

Sa ‘di inaasahang pangyayari na nasaksihanng matang kuwago ng Remate, walang nagawa ang mambabatas kundi ang tumanghod at magpapansin na lamang sa miyembro ng media dahil hindi siya pinansin ng mga ito para–interviewhin kundi ang isang resource person sa committee hearing na kanilang pinanggalingan.

Pasok sana ang style at papansin ng mambabatas kaso naging obvious dahil sa kabila ng marami namang puwede daanan at exit sa naturang committee room ay pinilit ng naturang mambabatas na dumaan sa nagkukumpulang media na nagsasagawa ng interview.

Sa huli matapos na hindi pansinin ang mambabatas ay wala itong nagawa kundi sa ibang exit na lamang dumaan.

Sanay talagang magpapansin ang mambabatas na ito na para bang isang KSP o kulang sa pansin.

Biruin mo naman sa dami at araw-araw na press release niyang pinapadala sa miyembro ng media ay masuwerte na  siya kung pansinin ito.

Kung minsan nga ultimong business reporter ay nasusuka.

Biruin mo ba naman na ang kanyang press releases ay out of the wind na kung saan siya lang ang nakakaintindi.

Ang mambabatas na tinutukoy ni matang kuwago ay may letrang A sa  kanyang pangalan as in Ang galing mo kaibigan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply