Brgy. chairman, body guard utas sa ambush

DEAD on the spot ang barangay chairman at body guard nito matapos na tambangan ng mga di pakilalang lalaki kaninang madaling araw sa Baoan Batangas.

Kinilala ni P/Chief Supt. Alfreso Batagni, hepe ng Baoan Batangas Police ang mga biktima na sina Chairman Henry Adura, at ang kanyangn body guard na kinilalang si Armando Latignon.

Sa naganap na insidente malubhang nasugatan ang anak nito na si Hanzel na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Nabatid sa ulat, ang insidente ay naganap dakong-3:20 ng madaling araw habang ang mga biktima ay sakay ng Pajero.

May 50 metro ang layo papasok na sa kanyang bahay ng salubungin ng mga suspek na nakasaky ng isang L-300 van at pinaputukan ang mga biktima.

Ang mga suspek ay tumakas patungo ng Mabini dala ang M16 at M14 rifle na siyang ginamit sa biktima.

Kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng pulisya upang madakip ang mga salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply