Brgy. chairman kunsintidor, hindi dapat armasan

HANEP, ibang klase itong si Brgy. Silangan, Rosario, Cavite Chairman Nazareno dahil sa halip na siya ang mangunang sumaway sa mga pagpapaputok ng mga pasaway niyang mga buwisita, siya pa ang nangunguna rito.

Si kapitan pa ang pasimuno sa pagpapaputok ng  baril kasama ang mga pasaway niyang ‘buwisita’ sa kanyang farm sa Rosario.

Biruin ninyo, kahit panay-panay ang pagpapaputok ng armalite ng mga ‘buwisita’ ni Kapitan sa  farm nito ay hindi man lang nito pagsabihan ang mga ito na tumigil na dahil marami nang mga kabarangay niya ang natatakot sa walang habas na pagpapaputok.

Mantakin ninyo, maaga palang ay nagpapaputok na ng armalite ang mga ‘buwisita’ ni kapitan sa kanyang  farm.

Madalas din sa farm ni kapitan na nagmi-meeting ang lahat ng mga barangay kapitan sa Cavite.

Walang tigil ang ginagawang pagpapaputok ng armalite na naka-single.

Bagamat bukid ang farm ni kapitan, maraming nakapaligid na kabahayanan na kasalukuyang dine-develop  ng PM Subdivision.

Marami nang natatakot na residente sa lugar na ‘yan ngunit hindi lang makapag-reklamo dahil malaki ang takot nila sa kanilang walanghiyang kapitan.

Noong last month lang daw, halos buong maghapon na nagpapaputok ang mga buwisita ni Kapitan.

Ang masakit pa nito, hindi lang basta putok ng mga ordinaryong  baril kundi malalakas na armas ang kanilang pinapuputok dahil sa nakaririndi at dumadagundong ang putok.

LOTTENG NG CUA BOYS  MAS  GRABE

Sa Catanduanes, mas grabe ang operasyon ng lotteng ng mga galamay ni Gov. Joseph Cua dahil mismong sa harapan pa ng lotto outlet nagpapataya ang mga kubrador.

Sa Brgy. Concepcion Virac ay anak ng kapitan ang kubrador. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply