Brgy. Chairman nakipagratratan: magnanakaw patay

PINAGTANGKAANG paslangin ang isang punong barangay sa bayan ng San Fabia, Pangasinan habang napatay naman nito ang suspek na nagtangkang magnakaw sa kanyang bahay.

Nabatid na kakauwi pa lang ni Barangay Chairman Ariel Raul Abaoag ng Brgy. Tiblong sa kanyang tahanan mula sa isinagawang dducational tour ng mga daycare pupils sa kanilang barangay sa lungsod ng Dagupan nang madatnan niyang bukas ang kanyang bahay.

Nang kaniyang tingnan kung sino ang naroon, tumambad ang suspek na si Virgilio Mina na hihinalang miyembro ng “Bahala na Gang” at agad siyang tinutukan ng kalibre .45 na baril, sabay takbo sa likuran ng bahay upang tumakas.

Nakipaghabulan si kapitan dala ang kanyang carbine sa magnanakaw sa highway ng naturang barangay ngunit pumara ang suspek ng bus.

Pagkasakay ng suspek, binaril nito ang nakasunod na kapitan na kanyang tinamaan sa kaliwang braso kung kaya gumanti naman ang biktima kung saan tinamaan ang suspek nang dalawang beses dahilan upang ito ay mamatay.

Base sa imbestigasyon, pagnanakaw ang motibo sa insidente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply