Briton na sobrang hilig sa sex nilayasan ng Pinay

TULUYANG nilayasan ng isang Pinay ang kinakasamang British national dahil sa sobrang hilig sa sex.

Sa salaysay ng 57-anyos na Pinay na tumangging isapubliko ang pangalan, sinabi nito na hindi na niya matiis ang 73-anyos na Briton dahil araw-araw at gabi-gabi itong humihiling ng sex.

Ayon sa kanya, sa loob ng mahigit anim na buwan na relasyon nila ay halos 24/7 ang kanilang romansa.

Dahil hindi na nito makayanan ang nasabing sitwasyon, sinabi nito na hiniwalayan na niya ang Briton, kaya umuwi na rin sa Britanya ang nasabing dayuhan.

Kapalit naman daw ng pagkahilig sa sex ng dayuhan ay nakapag-ipon ang Pinay ng mahigit kalahating milyong piso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply