Bruskong amo (2)

NOONG Nobyembre 8, 2011, ipinatawag ni Harry Ong, bosing ng RG Enterprises, Road 20,

Project 8, Quezon City, ang isa niyang tauhan sa kanyang opisina at kinumpronta ito kaugnay sa kanyang utang na sa totoo lang ay ang perang nasingil nito sa paglo-load na naholdap.

Pinipilit ni Ong na pabayaran ang utang kaya naman napilitan ang empleyado na ibigay

rito ang Official Receipt at Certificate of Registration ng kanyang motorsiklo bilang collateral upang ibigay sa amo ang mensahe rito na wala siyang balak na takasan ang kanyang utang na dapat sana ay hindi naman iatang sa kanyang balikat sa halip ay sagot ng insurance ng kompanya.

Biglang nainis ang bruskong amo at sa halip na unawain ang tauhan ay binugbog ito na naging dahilan upang magtamo ng pasa at sugat sa katawan ang biktima na hindi nagawang lumaban.

Hindi lang ang kawawang empleyadong ito ang naholdap sa kompanyang may malupit na amo. Marami pa na nagtitiis na bawasin sa kanilang suweldo ang nawalang pera na dapat sana ay naka-insure.

Bakit nga ba walang insurance ang RGG Enterprises gayung delikado ang trabaho ng kanilang mga tauhan? Nagtitipid ba? May mga nagdududa tuloy na sobrang wais naman ng may-ari nito na ayaw bigyan ng se-guro ang buhay ng kanilang mga tauhan.

Gusto ba ng may-ari nito na kapag naholdap ang kanilang tauhan ay manlaban ang mga ito para lang hindi matangay ang pera?

Lupit naman nila! Nakaka-pag-isip tuloy na baka naman may kinalaman sila sa holdapan.
Hindi naman talaga malayo.

Ipinagmamalaki pa ng may-ari ng kompanyang ito na malapit siya sa isang opisyal ng QC Police District na may tauhang magtutumba ng kanyang empleyado na magwawalanghiya o manloloko sa kanila.

Dapat kumilos ang DOLE at Commission on Human Rights (CHR) upang proteksyunan ang iba pang mga katulad ng empleyado ng RGG Enterprises na nakararanas ng pagmamalupit at hindi makataong pagtingin ng kanilang mga amo.

Nais ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan  ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari  kayong mag-text sa 0921517-5814 o mag-email sa Santi _lean11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply