BSP nagbabala sa ‘ATM card-switching’ scheme

NAGBABALA ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na mag-ingat sa pagwi-withdraw ng kanilang pera sa pamamagitan ng automated teller machine (ATM) dahil sa panibagong modus operandi ng ilang grupo na sangkot sa “ATM card-switching” scheme.

Ang pahayag ng BSP ay matapos ang mga report na may mga kawatan na ganito ang istilo.

Sa ATM card-switching scheme, ang suspek umano ay lalapit sa tunay na ATM card owner.

Matapos umanong makumpleto ng biktima ang kanyang ATM transaction ay sasabihin naman ng suspek na may naistak o naiwang pera sa machine saka uutusan ang biktima na mag-balance inquiry.

Dahil dito, magkakaroon umano ng pagkakataon ang suspek na matandaan ang personal identification number (PIN) ng biktima habang ito ay kanyang pinipindot.

Kasunod nito ay maglalaglag umano ng pera ang suspek at paniniwalain ang biktima na galing ito sa ATM.

Habang kinukuha umano ng biktima ang pera ay saka naman mabilis na tatanggalin ng suspek ang ATM mula sa machine at papalitan ito ng ibang card.

Gayunman, pinayuhan ng BSP ang publiko lalo na ngayong kapaskuhan na laging magmasid sa paligid sa tuwing magwi-withdraw ng pera sa mga ATM machines.

Sinabi pa ng BSP na kapag hindi ka komportable na maglabas ng pera habang may nakalapit sayo ay huwag umanong matakot na sabihan ito na umatras o kaya naman ay paunahin na lang muna ito bago mag-wirthdraw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply