Bubuo sa 3rd party audit team target imbitahan ng DOE sa susunod na linggo

TARGET ng Department of Energy (DOE) na maimbitahan sa susunod na linggo ang mga bubuo sa third party audit team na bubulatlat sa financial statements ng mga oil company na kabilang sa Philippine Institute of Petroleum (PIP).

Sinabi ni Energy Secretary Jose Rene Almendras, hinihintay na lamang nila ang magiging tugon ng PIP sa sulat na kanilang ipinadala noong nakaraang linggo.

Ani Almendras, umaasa siyang tutugon ang PIP ngayong linggong ito upang masimulan na sa susunod na linggo ang imbitasyon sa mga grupo na bubuo sa third party committee pagsapit ng Disyembre.

Base sa ahensya, may tig-iisang ino-nominate mula sa academe, business community, consumer group, ekonomista, Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) at transport group.

Maliban dito, iminungkahi rin ni Almendras na magkaroon ng tatlong miyembro mula sa media na tig-iisa mula sa print, radyo at telebisyon.

Una rito, ang PIP ay una nang nagpasabi na handa silang pabuksan ang kanilang mga libro upang linisin ang kanilang pangalan mula sa akusasyong overpricing ang kanilang mga produktong petrolyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply