Budget process, binasag din ni De Lima

TULUYAN nang binasag ni Justice Secretary Leila de Lima ang proseso sa deliberasyon ng pambansang badyet matapos ilang beses maantala ang pagtalakay sa badyet ng Department of Justice dahil palagi itong wala sa Senado.

Sa nakikita ni Sen. Joker Arroyo, tila ginagawa din ni De Lima ang pagbbalewala nito sa kautusan ng Korte Suprema na nagpapawalang-bisa sa Watch List Order laban sa mag-asawang Arroyo na makalabas ng bansa.

Ayon kay Arroyo, kung kayang labagin ni De Lima, hindi hamak na kaya nitong paikutin ang budget process na siyang nagpapaantala sa pagtalakay ng pambansang badyet.

“She delays the budget process. She continued to delays the scheduled process in the budget deliberation,” ayon kay Arroyo mtapos muling ipagpaliban ang deliberasyon ng badyet ng DOJ dahil wala pa ang kalihim.

Nitong martes, unang naantala ang deliberasyon ng badyet ng DOJ na nakatakdang talakayin bandang hapon ngunit iniurong ito sa bansang gabi upang pagbigyan ang kalihim sa kinahaharap sa krisis-legal matapos magpalabas ng TRO ang Supreme Court pabor sa mag-asawang Arroyo.

Ngunit, nitong Miyerkoles, muling iniurong ang deliberasyon sa badyet ng DOJ matapos mabigong dumalo ang kalihim na nakatakdang talakayin sana bandang hapon, ngunit habang isinusulat ang balitang ito, wala pa si De Lima sa Senado.

Sa ngayon, pormal nang naisumite sa plenaryo ang badyet ng  Department of Foreign Affairs, National Economic Development Authority, Department of Labor and Employment, Legislative-Executive Development Advisory Council,  Department of Energy at State Colleges and Universities (SUCs).

Layunin ng Senate committee on finance sa pamumuno ni Sen. Franklin Drilon na tapusin ang pagsusumite sa plenaryo ng buong badyet sa Biyernes, upang masimulan ang debate sa susunod na linggo at matapos ang bicameral conference committee sa Nobyembre 24, at maaprubahan bago magbakasyon ang Kongreso sa Disyembre 17.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply