Budget sa HIV/AIDS victims nilimitahan

NILIMITAHAN ng Department of Health (DoH) ang budget para sa pagbibigay lunas sa mga biktima ng HIV/AIDS sa bansa.

Ikinaalarma naman ito ng ahensya dahil sa unti-unting paglobo ng kaso ng sakit sa buong bansa.

Kaugnay nito, pinalagan naman ni Akbayan Party-list Rep. Arlene ‘Kaka’ Bag-Ao ang pagtitipid ng DoH na dapat umanong lakihan ang pondo ng HIV program ng gobyerno matapos ibunyag na ni minsan ay hindi pa tumaas ang budget nito sa P65 million.

Tumataas man ang antas ng HIV cases, hindi sapat ang pondo para mabigyan ng impormasyon at matulungan ang mga biktima na makaiwas sa nabanggit na sakit na maibibigay gamit ang AIDs preventive services.

Sa pinakahuling datos na nakuha ng DoH, pumalo sa all time high na 253 katao ang bilang ng mga may HIV/AIDS sa bansa sa loob lamang ng isang buwan.

Ayon sa DoH, mas mataas ito ng 65% kumpara noong September 2010.

Nabatid din na ang karamihan sa mga may HIV/AIDS sa bansa ay ang lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalake.

Sa kasalukuyan, papalo na sa halos 8, 000 na sa buong bansa ang biktima ng nakamamatay na HIV/AIDS.

Batay pa sa ulat nitong nakaraang Setyembre, halos 8 Pinoys ang tinatamaan ng sakti araw-araw at 16 overseas Filipino workers (OFWs) ang bagong tinamaan ng nakamamatay na karamdaman, dalawa sa mga pasyente ang iniulat na namatay sa AIDS.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply