Bulok, kolorum na bus pinabubura sa EDSA

DAPAT nang bawasan ng pamahalaan o huwag nang payagan pang makabiyahe ang mga bulok at kolorum na bus sa Edsa upang tuluyan nang lumuwag ang daloy ng trapiko sa naturang lansangan.

Ganito ang mungkahi ni Sen. Manny Villar sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) matapos kanselahin ang prangkisa ng isang singer at pagsuspinde sa 500 pang unit ng bus sa bumibiyahe sa Edsa na lumahok sa strike noong nakaraang taon.

“Dapat nang bawasan ang bilang ng bumibiyaheng bus sa kahabaan ng Edsa upang maibsan kahit kaunti ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nasabing pangunahing kalsada sa Metro Manila,” ayon kay Villar.

Nitong nakaraang linggo, binawi ng LFTRB ang prangkisa ng bus ni Claire dela Fuente kabilang ang 500 yunit ng bus na lumahok sa strike noong nakaraang taon na pawang mga bulok at kolorum ang karamihan.

Ayon kay Villar, dahil sa matinding trapik sa Edsa bunga ng sangkatutak na bus na bumibiyahe dito, umaabot sa P277 milyon kada araw o $2 bilyon kada taon ang lugi ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng ‘lost man hours.’

“The government and the national economy are losing millions of pesos because of the incorrigible traffic situation in Edsa and as such, solution and programs to alleviate if not completely eradicate the traffic problem in the same be formulated and implemented as soon as possible in order to facilitate the smooth flow of vehicles transporting persons and goods in this major thoroughfare, “paliwanag ni Villar.

Sa nilabas na desisyon ng LTFRB nitong nagdaang araw, binawi ng ahensiya ang prangkisa ng 129 unit ng Philippine Corinthian Liner na pag-aari ng singer na si Claire dela Fuente.

Suspensyon naman ang ipinataw sa 565 unit ng bus mula sa 16 na kumpanya na kasamang lumahok sa transport strike noong Nobyembre 2010 upang tutulan ang number coding scheme sa mga bus.

Matatandaan na ipinanukala na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapagawa ng “elevated highway” sa 24 kilometrong kahabaan ng Edsa upang sa gayon ay maibsan ang matinding daloy ng trapiko dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply