Bulto ng OFW inaasahang darating sa bansa

INAASAHAN na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagdating sa bansa ng bultu-bultong overseas Filipino workers (OFW) ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, nagsimula na ang pagdagsa ng mga OFW na dumating simula pa nitong unang linggo at ikalawang linggo ng Nobyembre at inaasahan pang lalong dadami ang magbabalik bayan habang papalapit na ang araw ng Kapaskuhan.

Dahil dito, nagdagdag na ang Bureau of Immigration (BI) ng 30 personnel para tumulong na mag-asikaso sa mga dokumento ng may 3,000 OFW na dumating sa airport.

Noong isang taon, mahigit 200,000 pasahero ang dumating mula Disyembre 1 hanggang 27 at karamihan sa kanila ay mga magbabalikbayang OFW.

Nakahanda naman ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa anumang problema ng mga pasahero at turista.

Naghigpit na rin ng seguridad sa buong kapaligiran ng paliparan upang matiyak ang kasiguruhan ng mga dumarating na pasahero.  Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply