Bumbay na differential pay; Kawalan ng gana kay Pacman

BIGYAN naman natin ang ating mga tagasubaybay ng pagkakataon na mailabas ang kanilang mga paniniwala, karanasan, kahilingan at iba pa.

Narito sila.

HAMON SA ANTI-FG AT ANTI-GMA

Good am, Ka Benny. Gusto ko lamang bigyan ng magandang laban itong nag-text sa’yo about sa Karma kina GMA at FG. Kung gusto niya ng debate, magsabi lang kahit saan.  +63922413….

SIRANG KALSADA SA BACOOR, CAVITE

Good day Power Point. Sir Benny, sana ang mga lubak sa kalsada ay ayusin upang mabawas-bawasan naman ang trapik.

Dito sa Coastal Road, may mga sira. Bago ka pumasok sa Coastal Road Extention, may mga lubak agad. Sa Niyog, Panapaan, Bacoor, ang daming giniba ng Maynilad na daan. Sana ayusin na.

Maraming pera ang gobyerno kung lahat ay magbabayad ng tamang tax.

For what shall it profit a man if in gaining the whole world he loses his own soul. Many thanks. Leonilo M. Lagancia.            +63916418….

PINAKIKIALAMAN NG MAYOR

Puwede bang pakialaman ng isang mayor ang mga bakanteng lote na mayroon namang nagmamay-ari?

Katulad ng isa sa Metro Manila, maraming kinamkam na lupa. Naka-blank lang sa ginawang testamento. Napatay nga lang ang dating kanang kamay niya na maraming nalalaman.  +63919290….

5-6 NA DIFFERENTIAL PAY SA SUNDALO

Good am. Ako’y retiradong sundalo. Malapit na naman ang Pasko, baka maghintay na naman kami sa wala sa aming differential.

Kasi ginagawang Bumbay, 5-6, sa pagbigay. Dapat ibigay na itong para sa December para masaya naman ang Pasko ng aming pamilya.

Pakikalampag naman ho ang dalawang senador na galing sa military na sina Sen. Honasan at Sen. Trillanes para ayusin naman ang aming differential pay na hindi pa ibinibigay at ginagawang 5-6 na hulugan. Ty ho.  +63921785….

NAWALAN NG GANA KAY PACMAN

Good am po. Kami po ay umiidolo kay Pacman tuwing may laban siya.

Pero dito sa huling laban niya kay Marquez, wala po kaming gana. Parang ingat na ingat siya. O taktika lang kay Marquez, hindi na siya nasusugatan! ‘Di hamak na malakas siya.

Dapat sa una palang nakipagsabayan na siya. Kasi yung suntok ni Marquez ay kaya niya. Pero suntok niya hindi kaya ni Dinamita.

Sa pang-apat na laban po sana ni Pacman, ganun ang gawin niya. Makipagsabayan na siya. Hindi yung naghihintay lang.

Gulpihin na niya. Kasi kaya niya ang suntok ni Marquez at ‘di hamak na mas bata siya.

‘Yun ang dapat na ituro ni Coach Roach. Medyo palpak na rin yata siyang trainer. Palibhasa yata ay tumatanda na rin.  +63948873

NANGYARI KINA GMA, FG ‘DI SAPAT

Ang nangyayari kina GMA at FG ay Karma na. Hindi pa sapat yan sa ginawa nila kay Erap. Pinagtulungan nila na kahit hindi nagnakaw sa kaban ng bayan.  +63932588….

MENSAHE KAY MIKE ARROYO

Kawawa naman ang asawa ko. Maysakit, wala silang konsiyensya. Alam n’yo Mr. Mike “Lolong” Arroyo, sobra ang galit namin sa inyo. Ang kapal ng mga…niyo.

Nakonsiyensya ba kayo noong umakyat sa entablado sa EdSA Shrine para manumpa bilang Pangulo si Gloria? Bise lang siya at ‘di nag-resign si Erap.   +63930838….

MENSAHE KAY ELENA BAUTISTA

May itsura ka, Elena Bautista, pero ang pangit ng mga salita mo. Pilak ba ang sweldo mo riyan kay Gloria? Mali na nga kayo pero pinipilit mo pa na kayo ang tama… Marami ng kasalanan si Gloria, ‘di mo ba alam?  +63930838…

INGGIT LANG KAY PACMAN

Ang mga umaapi sa Pambansang Kamao ay dala lang ng inggit. Kapwa Filipino natin si Pacman. Dapat kahit ano pa siya, suportahan natin siya. Huwag, bastusin at is-molin! Pinoy yan eh. +63946363….

SARILI LANG PINAYAYAMAN

Gud morning po. Si Jenevie po ng Bikol. Para sa may mga katungkulan, sana naman hindi lang sarili nila ang pinayayaman.

Paano matatapos at magiging matatag ang isang gusali kung iisa lang ang gumagalaw? Gumising kayo at gawin ang trabaho ninyo. Puro lang kayo salita, kulang naman sa gawa.  +63946747….

DROGA RAMPANT SA TAGUIG CITY

Sir, rampant po ang droga rito sa Brgy. Duhat South Daang Hari, Taguig City na nasasakupan po ni Captain  Wili Hernandes. Tuwing Biyernes ho, nangongolekta ang mga tanod niya.

Mga tulak ay sina Burog, Maui at Neneng, Sarah, Jaguar, Imen at Tantan, Inday, Gingging at Dindi.

Matagal na pong alam ng mga abogado ng mga Arroyo na makukulong si GLORIA, kaya po kunyari na isusugod siya sa ospital kasi may sakit daw. Kung ano-ano pang mga alibay.

Hindi bobo si Sec. ONA at lalong  hindi mahinang abogado si De Lima kaya ayon kulong si Gloria.

Don’t publish my number. Pakiaksyunan lang po na-man. +63999132….

KARAPATAN NG MGA BATA HINAHANAP

Puro GMA ang laman ng balita. Dito sa SM Southmall, ang mga bata kapag medyo pangit ang damit bawal pumasok, ‘di man lang makapamasyal.

Mas gusto ng SM management na mag-solvent ang mga bata kaysa mag-window shopping.

Nasaan ang rights of the children. ‘Di ba pangmasa ang SM? +63919512….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply