Bunsong Dominguez bagong lider ng carjack gang

NAMUMUNO sa gang ng mga carjackers sa kasalukuyan ang pinakabunsong kapatid nina Raymond at Roger Dominguez na kapwa nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ryan Dominguez na diumano’y siyang humahawak sa gang dahil sa pagkakapiit ng dalawang nakatatandang kapatid nito.

Ang pahayag ay nagmula sa isa sa tatlong suspek na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Highway Patrol Group, QCPD anti-carnap unit, at Calumpit Municipal Police sa isang raid na isinagawa sa kanilang safegouse sa Bulacan .

Ayon kay Sr. Supt. Ferdinand Villanueva ng QCPD anti-carnap unit, ang mga nahuling suspek ay natunton sa loob ng isang compound na matatagpuan sa Purok II Barangay Kaniogan 1 na pag-aari ng isang Carol Mutuc.

Kinilala ang mga ito na sina Antonio Garcia, 40, Romnick Estrella, 22, at Arnel Torres, 47, pawang mga residente ng Calumpit.  Inginuso umano ni Torres na si Ryan Dominguez ngayon ang namumuno sa grupo sa ilalim ng pagmamando ng dalawang kapatid mula pa sa loob ng kulungan.

Sa isinagawang pagsalakay, narekober ng pulisya ang isang nakaw na Ford Everest na may plakang PMQ-645 at isang Mitsubishi L-300 van na may plakang UKG-770 at daan-daang bahagi ng nakaw na sasakyan.

Kinasuhan na ang tatlong suspek ng car robbery at iligal na pagbabaklas ng sasakyan kabilang ang pinuno ng mga ito na si Ryan, ang assistant nito na nakilalang si Talaban at ang may-ari ng lugar na si Mutuc.

Napag-alaman din ng pulisya na may nakabinbing kasong car theft ang suspek na si Garcia subalit nakapagpiyansa ito sa isang korte sa Quezon City.

Isang Ford Explorer na pag-aari ng isang Ronnie Navarette na ninakaw ng grupo ang natagpuan din sa safehouse, isang Explorer engine block na nakapangalan sa isang Cenen Ceniza, at mga plate number na tangka na ipalit sa orihinal na plate number ng Ford Everest. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply