Buntis natagpuang patay sa Quezon City

PATAY na nang matagpuan ang isang buntis na ginang sa loob ng kanilang bahay kaninang umaga sa Area 6 Sitio Cabuyao Barangay Sauyo sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Jarjolyn Havista-Castor, 29, mananahi sa Malabon.

Kuwento ng hipag nito na si Roxanne Depaur, nagtataka siya kung bakit hindi pa gising ang kanyang hipag bandang 7:00 ng umaga gayong may pasok ito sa trabaho kaya nagdesisyon siyang gisingin na lamang.

Pero laking gulat niya nang datnan niyang bumubula ang bibig ni Castor at matigas na ang katawan.

Nabatid na wala ang mister ng biktima na si Rex dahil nagtungo ito sa Cavite para sa isang reunion.

Dahil palaisipan pa ang dahilan ng pagkamatay ng biktima, isasailalim ang bangkay nito sa autopsy, habang inaalam na rin kung may foul play sa pagkamatay nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply