Buntot ng cold front nakakaapekto sa Hilagang Luzon

NAKAKAAPEKTO sa dulong Hilagang Luzon ang buntot ng cold front samantalang Mindanao pa rin ang puntirya ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).

Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay patuloy na makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may pag-ulan sa bandang hapon o gabi.

Nananatiling pinakamalamig ang temperatura sa Baguio City sa 13 degrees Celsius at pinakamainit pa rin ang panahon sa Metro Manila, Cagayan De Oro City, Metro Davao at Zamboanga City sa 33 degrees Celsius.

Ang araw ay sumikat kaninang alas-5:59 ng umaga at inaasahan ang takip silim mamayang alas-6:24 ng gabi. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply