Buong pamilya ni Ramgen dawit na sa kasong pagpatay

NASASANGKOT na umano ang buong pamilya ni Ramgen Bautista sa pagpaslang dito.

Batay sa ginawang preliminary investigation laban sa dalawa sa mga suspek na sina Michael Narthea at Roy Francis Tolisora, ibinunyag ni Narthea na alam ng ina at mga kapatid ni Ramgen ang planong pagpatay dito.

Sinabi ni Narthea na alam din maging ng mga katulong, driver at isang Lolo Amang ang planong pagpaslang kay Ramgen.

Ayon pa kay Narthea naikuwento sa kanila ni Brian, isa sa mga at large suspects, na wala silang dapat ipangamba dahil may go-signal ng pamilya ang pagpatay sa panganay na anak ni dating Senador Ramon Revilla, Sr. kay Genelyn Magsaysay.

Sinabihan din aniya sila ni Brian na tanging ang P.A. o Personal Assistant lamang ni Ramgen na si Ronald Ancajas ang kalaban nila sa krimen dahil wala itong alam sa plano.

Inihayag pa ni Narthea na ipinahiwatig sa kanila ni Brian na si Ramona Bautista ang itinuturing nitong boss sa krimen. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply